Hindi lang basta luxury o exaggerated ang team building sa call centers. Nagiging necessity sila sa gatong trabaho. Gaya ng pagyoyosi.
Pumapayat o tumataba ng sobra ang mga tao. Walang sapat na physical activity para sa normal na metabolism. Papagutom ka na lang kung ayaw mo ma-constipate.
Hindi mo na maidentify kung alin ang coping mechanism at alin ang attitude lang ng mga katrabaho mo. So para mapalampas mo na, iisipin mo na lang coping mechanism ang lahat.
Pag nasa floor, makahanap ka lang ng masasandalan, makakatulog ka na. Pero pag day off at andami mong oras para matulog, kulang na lang maghanap ka ng mabibilhan ng antok para makatulog.