Malamang tulog ka na. Pero ako eto gising na gising pa. Naisip ko kasi lahat mula nung araw na nakilala kita. Kung pagkekwentuhin ako ng buhay ko, ikaw ang ikekwento ko, kasi ikaw na naging buong buhay ko (mas marami pa ang kwentong Mushy kesa sa kwentong buhay ko talaga). Nakakalimutan ko na din yung ibang mga pangarap ko. Kasi natupad na yung pinakamagarbo, yung pangarap kong ibigin ka. Wahaha. Linya mo yan, di ba? Pahiram na lang. Pero di nga, totoo 'yon. Ganun naman kasi talaga. Dati akala ko may mga bagay na pinapangarap lang talaga at hanggang dun na lang din. Bumabaliktad tyan ko pag andyan ka na. Ang hirap, halos maglaho ako sa hiya tuwing tinititigan mo ko noon. Kaya gusto kong mag-cartwheels sa tuwa nung nalaman kong parehas lang pala tayo ng pangarap. Haaay. Ang ibigin ang isa't isa! (._.) Bago pa 'yon, buong araw tayo magkausap sa text, hanggang makauwi ka galing eskwelahan at makatulog. 'Pag nakakatulog ka kinakausap na lang kita ng tulog gaya nito (namiss ko din ginagawa 'to), sinasabi ko lahat ng di ko nasasabi pag gising ka. Hindi naman talaga ako mahilig magtext pero ewan..lakas mo! Akala ko noon wala akong pag-asa sayo. Tinatawag mo pa kong kiddo. Naman! Hay. Pero alam mo bang kahit noon pa ikaw ang happiest thought ko. Sinulat ko paulit ulit pangalan mo nung Algebra namin. Habang naiisip ko yung holding hands sa ilalim ng mesa (hehe), na nilalabanan ng mga walang kwenta kong theories. Tapos naging tayo. Kahit kami pa din. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa ganung sitwasyon "tayo" nagumpisa, dahil nasasaktan ka. Bakit naman kasi late ka? Late ka sa eskwela, late ka gumising..lagi kang late..pati pagdating sa buhay ko late pa rin! Ikaw lang pala inaantay ko eh. Pero hindi ko yata kayang ikaw ang mawala kahit wala ng ibang matira sakin. Naisip ko nun tae, OK lang yun. :) Hindi ko naman kailangan ng maraming tao para bumuo ng mundo. Kahit ikaw lang, solb na. Kahit sa kaunting panahong nakilala kita wala nang mas hihigit pa sa pinaramdam mong pagmamahal. Mula nung araw na 'yon, buong buhay na kong masaya.
Salamat sa pagdating sa buhay ko. (._.)
You always say, "sorry for all these". I say, thank you for all these.
